sa lahat ng mga airsofters, ilabas ang mga natatagong katatawanan... mga sitwasyon na kahit hindi kapanipaniwala, basta nakakatawa! lahat naman tayo may natatagong "pagkakomedyante"... kaya dito niyo na i-post!
sample: (patnubay at paunawa sa mga makakabasa, ang mga pangyayaring inyong mababasa ay pawang katotohanan lamang, ang mga karakter at mga taong tampok dito ay kathang isip lamang at hindi base sa mga totoong tao, salamat po!
)
-----------------------------------
Sa isang gamesite, 10 minutes in the game
Player 1: pwe! ang baho naman dito! amoy tae, sir, mali ata puwesto natin
Player 2: oo nga! (ubo ubo!) usog ka doon, baho!
Player 1: sige! saglit lang, sunod ka sa akin (gumagapang)
SPLAAAACK!!!
Player 2: yaaaaack! hit ka na sir!
Player 1: dead man, dead man coming out!
Player 2: hit na iyan, nasabugan ng land mine!
-----------------------------------
Buyer and seller negotationg through SMS
Buyer: sir, interested sa gun niyo, please send the specs po, salamat po!
Seller: sir, andun na po sa post lahat ng details, please check again
Buyer: ah ok sir, pero totoo bang 450 fps iyon? kailan last chrono?
Seller: sir 450 fps talaga iyon, maganda nga set-up nun eh. last chrono ko last week
Buyer: thanks sir, wala bang hidden defects iyan?
Seller: wala sir, kahit check niyo pa para sure po tayo
Buyer: ay, hindi, ok na sir... eh freebies? wala bang freebies?
Seller: o sige sir, isasama ko na iyong red/green dot ko, may 3 extra mag na iyan, isasama ko pa ang mask at bonnet ko
Buyer: sabi sir negotiable? pababa naman ng presyo
Seller: o sige sige, kahit bawasan ko na P500 ha? upgraded na m4 na iyan, P4500 lang!
Buyer: sir, do you ship? andito kasi ako sa manila eh
Seller: no problem sir, kaya iyan, kahit door to door
Buyer: good deal na nga iyan sir, reason for sale sir?
Seller: kailangan ko kasi iyong pera, o ano? kunin mo na?
Buyer: hmmm... pag-isipan ko muna sir, hehehehe! salamat nalang! pero may kilala ba kayong naghahanap ng mp5? benta ko iyong akin eh, pahanap naman ng buyer?
-----------------------------------
gear up sa isang gamesite
Player 1 (angas na player): pare, ganda ng beng beng niyo ah?(sarcastic) ilang fps iyan? upgraded ba?
Player 2 (nahihiya pa): sir, hindi po, 350 lang, ehehehe!
Player 1: eh iyang sa iyo? ilan na iyan?
Player 3: 380 lang sir, ang hirap mag-ipon ng para upgrade
Player 1; o eto akin, tignan niyo! ayos ba? ito 450 fps na agad, downgrade ko pa iyan ha? guwapo ba? my baby!!!
Player 2 and 3: ang ganda nga sir, tsk, sana ganiyan rin beng beng namin
bago magsimula ang game
Player 1 (patagong lumapit kay 2 and 3 tapos bumulong): sir, excuse me, may extra ba kayong li-poly? naiwan ko pala iyong battery ko, ehehehe....
-----------------------------------
sa forum
player 1 signed in
Player 1: gandang gabi po sa inyong lahat!
player 2 signed in
player 2: gandang gabi rin sir
Player 1: musta sir?
Player 2: ayos lang, kayo, musta?
Player 1: ayos lang din, sige napadaan lang, alis na ako
Player 2: ako din, sige po, ingat
player 1 signed out
player 2 signed out
player 3 signed in
Player 3: wala namang tao...
player 3 signed out
Player 4: gandang gabi mga tao ng forum....
..... ehehehe!
-----------------------------------
sa neutral zone
Player 1: ganda naman ng scope niyo sir? mahal siguro iyan?
Player 2: oo naman! BUSHNELL ito!!! magnified, may illumination up to 6 levels, red at green. with markings pa iyan, tapos may dust cover at light accomodation pa... astig diba?
Player 1: oo nga sir, pero mas maganda kung nilagay sa rifle... hindi po sa pistol. suggestion lang?
-----------------------------------
skirmish game
Airsofter 1: o ano? ready na ba kayo? ganito nalang gawin natin, i'll lay a suppressing fire to give you guys cover.
Airsofter 2: ayos iyon sir, that's possible, para sure tayo na nakadefense lang ang opfors
Airsofter 1: copy, pero ikaw, i-try mong pumunta sa right flank, sigurado kapag outflanked na sila, good kill na iyon
Airsofter 3: confirmed sir, basta bibigyan ko kayo ng hand signal kapag ready na
Airsofter 1: ok, get ready for an assault
Airsofter 2: yes, may heavy gunner sa position na iyon, be alert always ok?
Airsofter 1: remember that a good offense is a good defense
Airsofter 2 and 3: ready na sir!
Airsofter 1: ok, 1 - 2 - 3! GO!
Bratatatatatttaattatata!
Airsofter 1, 2 and 3: HIIIIIT!
-----------------------------------
after ma-post ang game schedule
Newbie: sir, ano po ba ang essentials o iyong mga dapat dalhin sa game natin? para madala ko sana
Player 1: dalhin mo mask mo, kailangan iyon
Player 2: baril siyempre, dala ka ng extra mag tapos charge mo na battery mo
Player 3: dala ka ng BDU, importante ang camouflage
Player 4: dala ka rin ng knee at elbow pads
Player 5: please bring extra BBs
Player 6: foods siyempre at water mo, sakaling magutom at ma-uhaw
Player 7: ayos rin kung magdadala ka ng gear mo, ayusin mo shoes mo at pwede ring vest
Newbie: thank you sirs, pero ask ko iyong game natin sa basketball game?
-----------------------------------
Newbie: sir, para saan ba iyon sector chip?
Gunsmith: para hindi ka mag-misfeed...
Newbie: mag misfeed sa alin? nakakain ba iyon? para bang potato chips?
-----------------------------------
Kuwentuhan ng dalawang airsofter
airsofter 1: pare, kailan mo malalaman na naghihirap na iyong airsofter?
airsofter 2: nanghihingi ng BBs?
airsofter 1: hindi, pa-hirap pa lang iyon...
airsofter 2: eh paano
airsofter 1: kapag namumulot na ng BBs
-----------------------------------
sa briefing bago mask down
team leader: eto gagawin natin ha? ikaw at ikaw, dito kayo, tapos kayong tatlo, subukan niyong dito pumasok. kayo namang lima, front. mga naiwan, lilinisan natin dito.
newbie (nagreact bigla!): ha? anong lilinisan? airsoft pinunta ko dito, hindi kawang-gawa... haller! bundok kaya ito, mahirap linisan.
-----------------------------------
ayun lang po... samples lang... post rin kayo... buhayin ang thread na ito, hehehehe!
maglagay kayo ng kung anuman maisip niyo o kung may nasubukan kayong pangyayari.