HomeCalendarFAQRegisterSearchLog in

Share | 
 

 TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Papadhie
Forum Police
Forum Police
avatar

Male
Number of posts : 1990
Age : 37
Location : Neutral Zone
Job : NgaRz
Forum XP points : 4623
Registration date : 2007-07-31

PostSubject: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Sat Jul 18, 2009 4:40 pm

Matanda ka na kaibigan ko...

Nasa lumang videoke na ang mga paborito mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Bold Star na ang kinaaaliwan
mong child star dati.
Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol
noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung
napapraning.
Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, flanax, vitamin
C, royal jelly, viagra tsaka
ginko biloba.

Dati, kahit ano iniinum kung may inuman. Ngayun alalay nalang at
namimili ng iniinom. Paborito, red wine at brandy.
Sa inuman, pulutan kahit lechon, sisig,
kaldereta, inihaw na
liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, iwas na na taba at allergy.
Ang ibay tinalikuran na ang inuman,
nagkukumpulan na lang ng
mga kasama sa mga Kapihan, o mga Prayer meetings at fellowships

Wala na ang mga tropa mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada
napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol
sa trabaho ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan
kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang katrabaho mong
hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap
nang magtiwala.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo
kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa
trabaho. Kung sabagay,
nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng
pera at umakyat sa
tinatawag nilang "career". Anumang
pagkakaibigang umusbong galing
sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong
pagkakaibigan. Pera din at
ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Beneco, PLDT, BWD, SkyCable, Globe, Smart,
Visa at Mastercard. Alipin ka na rin ng Baguio Angels, Double 0, Double I, Miles at Secret Place.
Alipin ka ng mga anak ng mga anak mo, Alipin ka ng ATM, Pension Plans, Insurances, Alipin ka ng BIR.

Dati-rati may paborito kang kinakain gaya ng Fried Chiken,
Hotdog, French Fries, Spageti. Ngayon kuntento ka na sa Kape at tinapay,
masaya ka na kung may pancit canton na kasama.

Sa mga gimiks,
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo
para
makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi
isang Resort ang pupuntahan at walang chix.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang konting mga inuman, ngayon
nagongolekta ka na para bumili ng pang round 10 pa.


Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo. Nagtataka ka
kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas
ang sweldo mo. Yung
mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan,
abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto
mong bilhin, hindi
ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

kaibigan, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para maging isa lang
sa mga baterya na nagpapatakbo ng mundo. Hanapin mo
ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay
mo ngayon ay
uulit-ulit lang hanggang maging sisenta anyos ka
na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga
tao at mga bagay na
nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.

Ang pagtanda, kahit gaano natin pigilin, dumadating.
Nagbabago tayo, kasama ng mundo.

_________________


Back to top Go down
View user profile
mr suave
Field Marshals
avatar

Male
Number of posts : 736
Age : 40
Location : Baguio City my backyard
Job : Nurse
Forum XP points : 4577
Registration date : 2007-10-24

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Sat Jul 18, 2009 6:38 pm

Wow na wow! napakagandang palaisipan! isa kang henyo at makata FaFa!!!! drunk
Back to top Go down
View user profile http://major.ryan@yahoo.com
Papadhie
Forum Police
Forum Police
avatar

Male
Number of posts : 1990
Age : 37
Location : Neutral Zone
Job : NgaRz
Forum XP points : 4623
Registration date : 2007-07-31

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Sat Jul 18, 2009 6:50 pm

Kumakalat sa Email to Fafi.. NiRe-post ko lang dito. ehehe!

_________________


Back to top Go down
View user profile
mr suave
Field Marshals
avatar

Male
Number of posts : 736
Age : 40
Location : Baguio City my backyard
Job : Nurse
Forum XP points : 4577
Registration date : 2007-10-24

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Sat Jul 18, 2009 8:15 pm

unfortunately d pa kumalat sa email ko e! pero isa ka parin henyo papa at naisip mo ipost d2!!!!hehehe :boogy:
Back to top Go down
View user profile http://major.ryan@yahoo.com
yobski3131
Forum Police
Forum Police
avatar

Number of posts : 2523
Forum XP points : 4981
Registration date : 2007-07-19

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Mon Jul 20, 2009 5:19 pm

zombie....diko aaminin yan



ayuyah
Back to top Go down
View user profile
Tupa
Advisor
Advisor


Male
Number of posts : 1976
Age : 56
Forum XP points : 5342
Registration date : 2007-07-11

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Mon Jul 20, 2009 8:07 pm

Sino ba pinatatamaan dito? Ako enjoy ko pa rin kabataan ko kaya nga panay laro ko pa rin ng Airsoft. Sa Basketball baka di kayo tumagal sa akin. Pwede rin tayong mag cross country run or cycling kung gusto ninyo or magswimming.
Back to top Go down
View user profile
abis
Master Gunnery Sergeant
avatar

Male
Number of posts : 3871
Age : 33
Location : 074
Job : free lancer
Forum XP points : 5202
Registration date : 2007-07-13

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Tue Jul 21, 2009 11:06 am

"wag kang aayaw think positive wag kang aayaw think positive..."

-qoute from robin padilla's commercial

*somewhat related to the post above lol!
Back to top Go down
View user profile http://www.youtube.com/user/chiroCR
Stealth
Corporal
avatar

Male
Number of posts : 512
Age : 38
Location : Baguio City
Forum XP points : 4091
Registration date : 2007-08-10

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Wed Jul 22, 2009 11:42 am

galit na galit ung matanda sa taas.
confused
hehe.. peace
Back to top Go down
View user profile
paChooKs
Private
avatar

Male
Number of posts : 203
Age : 33
Forum XP points : 3580
Registration date : 2008-07-28

PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   Wed Jul 22, 2009 5:53 pm

mukang guilty....... music

depensive?????? scratch

peace peace yo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..   

Back to top Go down
 
TAYO AY TUMATANDA NA PARE KO..
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Entertainment Area :: Humor Section-
Jump to: